Muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ala-6:00 kaninang umaga, nagbawas ang mga kumpaniyang Shell, Petron, Seaoil, PTT Philippines, Phoenix at Eastern Petroleum ng P0.25 na tapyas sa kada litro ng gasolina.
Trenta (P0.30) sentimos naman ang idaragdag sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel ng mga nabanggit na kumpanya ng langis.
Nauna nang nagpatupad ng kahalintulad na price adjustment ang mga kumpaniyang Flying V at Chevron kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Samantala, may dagdag presyo rin sa kada litro ng kanilang kerosene ang mga kumpanyang Shell, Petron, Chevron, Seaoil at Phoenix Petroleum.
Ang panibagong oil price adjustment na ito ay bunsod pa rin ng pagbabago sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
By Jaymark Dagala