Asahan na ang panibagong oil price adjustment ngayong ikalawang linggo ng Pebrero.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, inaasahang magtataas mula P0.60 hanggang P0.80 sentimos ang presyo ng kada litrong diesel.
Habang P0.90 hanggang P1.00 naman ang inaasahang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Pero ang good news, may aasahan namang rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina na maglalaro mula P0.70 hanggang P0.90.
By Jaymark Dagala