Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ang mga oil companies sa ilan sa kanilang produktong petrolyo dahil sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Sa inilabas na anunsiyo ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell, may dagdag na 0.20 sa kada litro ng kanilang gasolina.
0.20 naman ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel sa mga oil companies na Petro Gazz, Seaoil, at Shell.
Habang walang magiging paggalaw sa bawat litro ng kerosene ng Seaoil at Shell.
Mababatid na magiging epektibo ang pagpapairal sa dagdag-bawas presyo sa produktong petrolyo bandang ala-sais ng umaga ng bukas, May 18.
Kasunod nito, asahan nang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang mga oil companies.