Good news para sa mga motorista!
Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petroleum sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), inaasahan na bababa ang presyo ng diesel mula P2.80 hanggang P3.10 kada litro.
Inaasahang bababa rin ng tatlong piso ang kada litro ng kerosene, habang nagbabadya namang tumaas ang presyo ng gasolina mula 30 hanggang 60 centavos kada litro.
Samantala, malaking epekto ang pagbaba ng piso sa dolyar sa pagbabago ng presyo ng produktong petroleum.