Namumurong magkaroon ng panibagong rollback at dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, posibleng umakyat ng ₱0.10 ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel, ngunit maaari rin na bumaba ang presyo nito sa ₱0.20 centavos kada litro.
Kaugnay nito, sigurado naman nang magkakaron ng rollback sa kada litro ng kerosene na maglalaro sa ₱0.70 hanggang ₱0.90.
Paliwanag ng mga industry player, ito’y dahil sa nangyaring paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa world market matapos ang anunsyo ng United States Federal Reserve na posibleng hindi na nila itaas ang interest rate.
Bumagal din ang inflation, kaya naging mas positibo ang pananaw sa merkado na lalakas ang demand sa langis. - sa panulat ni Charles Laureta