Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa 4 na araw na trading, posibleng magkaroon ng P 0.55 hanggang P0.80 na dagdag sa kada litro ng gasolina.
Asahan naman ang P0.10 hanggang P0.30 na bawas sa kada litro ng kerosene habang posible naman ang hanggang P 0. 30 na tapyas sa kada litro ng diesel.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang nasabing price adjustments ay bunsod ng tigil-putukan sa pagitan ng Israel at Hezbollah at ang hindi inaasahang pagbaba ng imbentaryo ng krudo ng United States.
Kadalasang nag-aanunsyo ang ng opisyal na presyo ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes at ipinatutupad sa kinabukasan.