Muling magkakaroon ng dagdag-bawas sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtataya ng mga oil companies, P1.00 hanggang P1.20 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang mababawasan naman ng P1.50 hanggang P1.60 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Inaasahang epektibo ang nasabing paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo simula May 31 hanggang June 6.