May nakaamba na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo o simula sa Disyembre 17.
Ayon sa mga sources mula sa industriya, P0.30-P0.40 ang magiging pagtaas sa halaga ng kada litro ng diesel.
Tataas din ng P0.50-P0.60 ang presyo ng bawat litro ng kerosene.
Gayunman, posibleng manatili ang kasalukuyang halaga o kaya’y magkaroon ng P0.10 rollback sa kada litro naman ng gasolina.
Sinasabing ito’y bunsod ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.