Epektibo na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa anunsiyo ng kumpaniyang Seaoil, Shell, Petro Gazz at Cleanfuel, nasa P1.40 centavos ang magiging taas-singil sa presyo ng kada litro ng gasolina habang nasa 50 centavos naman ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel.
Magpapatupad naman ang Shell at Seaoil ng 35 centavos na bawas-singil sa kada litro ng kerosene.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau dir. Rino Abad, ang oil price adjustment ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa international market dulot bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine; bantang pagbabawas ng produksiyon sa langis ng mga miyembro ng Oil Producing Exporting Countries (OPEC); at ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Sinabi ni Abad na posible pang magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo hanggang sa buwan ng Disyembre.