Epektibo na ngayong araw ang ikatlong sunod na linggong taas-presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Alas-dose uno kagabi unang nagpatupad ng patong sa presyo ang Cleanfuel at Caltex, kung saan madaragdagan ng 30 sentimo ang kada litro ng gasolina at 10 sentimo sa kada litro ng kerosene.
Mababawasan naman ng 40 sentimo ang kada litro ng diesel.
Kaninang alas-sais ng umaga, ang iba pang kumpanya ng langis na nagpatupad ng kahalintulad na dagdag-bawas sa presyo sa tatlong uri ng krudo ay ang Pilipinas Shell, seoil, Flying V, Petron habang tanging sa gasolina at diesel ang Petrogazz, Jetti Petroleum, Phoenix Petroleum, PTT Philippines.