Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price adjustment sa mga produktong petrolyo.
Kaninang 12:01 a.m. nang ipatupad ng Caltex ang dagdag na P1.10 sa kada litro ng gasolina;
May tapyas naman na ¢35 sa kada litro ng kerosene habang walang pagbabago sa halaga ng diesel.
Kaninang 6 a.m. nang ipatupad naman ng Shell, Seaoil, Flying V, Petron, Jetti Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines, at Phoenix Petroleum ang kahalintulad na price adjustment.
Batay sa oil price monitoring ng Department of Energy hanggang nitong May 27 , ang net price ng gasolina ay umabot sa P5 kada litro; P5.5 at sa Diesel at P6.49 naman sa kada litro ng kerosene.