Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Tumaas ang halaga ng diesel at kerosene habang bahagya namang bumaba ang presyo ng gasolina.
Nagtapyas ng P0.40 centavos per liter sa gasolina ang Petron, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Seaoil, Flying V, at Phoenix Petroleum.
Tumaas naman ang halaga ng diesel ng P0.55 centavos per liter habang P0.20 centavos per liter naman ang pagtaas sa kerosene na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.
Sinasabing ito’y bunsod ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
By Jelbert Perdez