Asahan na bukas ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa 80 centavos hanggang P1.10 centavos ang posibleng dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Asahan naman na papalo sa 45 centavos hanggang 65 centavos ang posibleng maging tapyas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel habang magbabawas din ng 20 centavos hanggang 40 centavos sa kada litro ng kerosene.
Sa pahayag ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang oil price adjustment ay dahilan ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine, bantang pagbabawas ng produksiyon ng langis ng mga miyembro ng Oil Producing Exporting Countries (OPEC), at ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
Sinabi ni abad na posible pang magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina hanggang sa buwan ng Disyembre.