Aarangkada na bukas ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, aabot sa 0.40 -0.60 ang itataas ng presyo ng kada litro ng gasolina,
Habang P0.90 – P 1.10 per liter na pagbaba sa presyo ng Diesel at P 1.00 – P1.20 ang rollback sa kada litro ng kerosene.
Una nang ipinaliwanag ng Department of Energy na bagamat may epekto pa rin ang geopolitical tension sa Middle East, mas nangibabaw ang epekto ng mahinang demand ng Estados Unidos at China sa pagbaba ng presyo ng Diesel at Kerosene.
Gayunman, binabantayan ng mga analyst ang magiging resulta sa merkado ng pagganti ng Israeli Forces noong Biyernes sa pag-atake ng Iranian Forces. – sa panunulat ni Charles Laureta