Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na bisperas ng Pasko, Disyembre 24.
Ayon sa mga taga industriya, big-time hike ang ipapatupad sa presyo ng diesel at kerosene samantalang maaaring mabawasan o hindi madagdagan ang presyo ng gasolina.
Aabot sa P1.10-P1.20 per liter ang taas presyo sa diesel; P1.00-P1.10 per liter na dagdag naman sa presyo ng kerosene.
Walang paggalaw o P0.10 per liter naman ang itatapyas sa presyo ng gasolina.
Ang paggalaw sa presyo ay bunsod ng tumataas na demand sa diesel.