Abiso sa mga motorista!
Posibleng magpatupad ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo, ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Batay sa pagtataya, posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng diesel sa P0.30 hanggang P0.50 kada litro.
Habang inaasahan namang tataas ang presyo ng gasolina sa P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Una rito, sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na magiging mahigpit ang galaw ng presyo ng produktong langis sa bansa sa susunod na linggo.
Matatandaang noong nakaraang Martes, unang nagpatupad ang oil price hike sa gasolina, diesel at kerosene.