Abiso sa mga motorista!
Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas July 11.
Batay sa pagtaya, maaaring umabot sa 0.50¢ hanggang 0.80¢ ang dagdag sa presyo ng kada litro ng Diesel at Kerosene;
Habang posible namang walang paggalaw o bumaba nang hanggang 0.30¢ ang presyo ng kada litro ng Gasolina.
Karaniwang ina-anunsyo ng mga kumpanya ng langis ang price adjustments tuwing Lunes, at ipinatutupad ito sa susunod na araw.