Tuloy na sa Lunes, June 1 ang dagdag bawas sa singil sa tubig.
Uno trentay singko (P1.35) ang average na dagdag singil ng Maynilad sa mga customer nito ng kumukunsumo ng 10 cubic meter kada buwan.
Mahigit P3.00 naman ang madadagdag sa buwanang bill ng Maynilad customers na kumukunsumo ng 20 cubic meters at P21 pesos naman sa 30 cubic meter.
Ang semi business consumers, may dagdag na P143 pesos sa bill sa unang 10 cubic meters mula sa datingt P133 pesos na fixed rate at mula sa dating P27. 30 magiging P29. 35 naman kada cubic meter ang katumbas ng dagdag sa kada 10 cubic meter consumption.
Sa mga mayroong negosyo, maglalaro sa P9.98 hanggang P45. 52 ang dagdag sa buwanang fixed rate at P2. 05 hanggang P4. 99 ang dagdag sa susunod na 90 cubic meters.
Nasa P49 pesos naman ang itataas sa fixed rate ng industrial users at P5 pesos per cubic meter na umento sa susunod na 90 cubic meter consumption.
Samantala, average na P0.63 centavos kada cubic meter ang bawas sa singil sa mga customer ng Manila Water.
Sa mga residential user na 10 cubic meters lang ang konsumo may bawas na P1 sa buwanang bill habang mahigit P2 piso ang bawas sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters.
Piso ang bawas sa fixed rate sa semi business customers at P0.50 sa susunod na 20 cubic meters na kunsumo.
Sa commercial users, may bawas namang mahigit P12 sa fixed monthly bill at higit P1.00 kada cubic meter na bawas sa susunod na 90 cubic meters.
Tatapyasan naman ng P12 pesos sa fixed monthly bill at mahigit P1.00 kada cubic meter sa susunod na 90 meter consumption ang singil sa industrial users.
By Judith Larino