Pinapurihan ni kay Agri Party-List Rep. Wilbert Lee ang positibong tugon ng Philhealth sa hirit na taasan ang benepisyo ng mga miyembro nito.
Ayon kay Congressman Lee, aminado mismo si Philhealth President at CEO Emmanuel Ledesma na panahon na upang taasan ang lahat ng benefit packages at coverage sa susunod na taon.
Una nang inihayag ng Philhealth na asahang itataas sa 30% ang karamihan sa kanilang benefit packages na ipinagkakaloob sa mga miyembro.
Si Lee ang nangangalampag sa nasabing government-owned or -controlled corporations upang itaas ang coverage rate ng philhealth dahil hindi umano makatotohanan ang kasalukuyang case rates nito.