Niratipikahan ng Kamara De Representantes ang Bicameral Conference Committee Report kaugnay ng dagdag-benepisyo sa mga solo parent.
Aabot sa 15 milyong solo parent ang makikinabang sa ammendments sa Solo Parents Act.
Ayon kay agusan del norte rep. Lorenz fortun, Head Ng Technical Working Group na bumalangkas sa substitute bill, kabilang sa benepisyon ang pagbibigay sa solo parents at isang anak nito ng full scholarship;
Isasali rin sila sa mga bibigyan ng social safety assistance sa panahon ng kalamidad at pandemya at otomatikong kasali sa national health insurance program.
Samantala, ang mga solo parent na hindi lumalagpas sa 250,000 pesos ang taunang kita ay makatatanggap din ng 10% discount at exemption sa pagbabayad ng value added tax sa pagbili ng mga pangangailangan ng bata na anim na taong gulang pababa. -sa panulat ni Mara Valle