Hinihintay na lamang ng DOH o Department of Health na mairehistro sa FDA o Food and Drugs Administration ang mga bakuna para sa Japanese encephalitis.
Ito’y ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial ay upang makatulong na mapababa ang presyo ng nasabing bakuna na aniya’y limitado lamang ang suplay dahil sa iisa lamang ang suplayer nito.
Kasunod nito, idudulog ng kalihim sa Kongreso na maisama sa kanilang budget para sa susunod na taon ang national immunization program o ang pamamahagi ng bakuna kontra sa nasabing sakit.
Sakaling maaprubahan ang pondo at gamot na kakailanganin, sinabi ni Ubial na ang kanilang kukuning gamot ay iyong isang beses lamang ituturok upang mapabilis ang proseso ng pagbabakuna.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE