Isinusulong ni Senadora Risa Hontiveros na madagdagan ang pondo ng Department Of Health para sa pagpapatayo ng COVID-19 testing at isolation facilities sa mga lugar na matinding sinalanta ng magkakasunod na bagyo.
Ayon kay Hontiveros, maaaring magkaroon ng epekto sa paglaban sa COVID-19 ng pamahalaan kung hindi agad mapatatayuan ng naturang pasilidad ang mga nasalantang lugar tulad ng Camarines Sur, Albay at Camarines Norte.
Sinabi ni Hontiveros, posible kasi aniyang hindi agad ma-detect ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo pa’t siksikan ang evacuation centers.
Binigyang diin pa ng senadora, pinakamahalagang hakbang sa paglaban sa COVID-19 ang maagap na testing at isolation.— ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)