Isinusulong sa kamara ang panukalang dagdag-buwis sa mga produktong may trans-fat na kadalasang nakikita sa mga processed meat.
Sa proposed bill ni Masbate Representative Scott Davies Lanete, papatawan ng dagdag na limang pisong ang kada lata o pakete ng mga pagkaing may trans-fat tulad ng hotdogs, corned beef, meat loaf at iba pa.
Layon aniya ng naturang panukala na maiwasan ang dumaraming kaso ng stroke dulot ng mga tinatawag na trans-fat o isang uri ng taba na masama sa kalusugan.
Una nang isinulong sa Kamara na patawan ng mas mataas na buwis ang matatamis na inumin tulad ng softdrinks at juice gayundin ang maalat na pagkain tulad ng instant noodles at junk foods.
By Rianne Briones
Dagdag-buwis sa mga processed meat isinusulong sa Kamara was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882