Nagbabala ang ilang negosyante na tataas ang presyo ng bilihin kapag pinilit silang saluhin ang dagdag-diskuwento sa mga groceries at pangunahing pangangailangan ng Senior Citizens at Persons with Disabilities ngayong marso.
Ayon sa Philippine Consumer Centric Trader Association, maaring unang tamaan ng nabanggit na dagdag diskuwento ang basic and canned commodities.
Dagdag pa ni PCCTA President Carlos Caboochan, sumusunod ang mga retailer sa itinatakda sa Suggested Retail Price, kaya pag-iisipan ng mga ito kung ibebenta pa ang mga bilihin na mababa ang kita.
Para naman kay Steven Cua, Executive Director ng Philippine Amalgamated Supermarkets Associations, ipapasa rin ng mga negosyante sa mga consumer ang dagdag-diskuwento.
Giit pa ng grupo, kawawa ang mga hindi Senior Citizens at PWD, dahil sila ang sasalo ng nabanggit pagtaas ng diskuwento sa mga groceries at pangunahing pangangailangan. – sa panunulat ni Charles Laureta