Binuksan na ng Department of Transportation (DOTR) sa publiko ang Roxas Boulevard at ang Taft busway stations ng Edsa Busway Project.
Ayon kay DOTR Ssecretary Jaime Bautista ang Edsa Busway Project ay pinagsamang gawain ng DOTR, MMDA at DPWH.
Nabatid na bunsod nito ay mababawasan ang oras ng paglalakbay mula Mall of Asia sa Pasay City hanggang Monumento sa Caloocan mula sa dalawa hanggang tatlong oras pababa sa isang oras at 30 minuto na lamang.
Samantala, pinuri naman ni Bautista ang mga pribado at government partners nito sa kanilang suporta upang maisulong ang ligtas at komportableng paglalakbay para sa mga commuter.