Isinusulong sa Senado ang panukalang batas na magsusulong na madagdagan ang hazard pay ng mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang na rin ang mga civilian doctor at nurse.
Layon ng Senate Bill 970 na gawing P20,000 kada buwan ang hazard pay ng mga AFP personnel mula sa kasalukuyang P540.
P10,000 naman ang matatanggap na hazard pay kada buwan ng mga doktor at nurse na nagtatrabaho sa AFP Memorial Medical Center gayundin ang mga nagbibigay ng aid ATR medical assistance sa militar sa lugar ng bakbakan.
Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, naghain ng panukala, marapat lamang na bigyan ng tamang kompensasyon ang mga taong inilalagay ang kanilang buhay sa alanganin para sa bayan.