Isinulong ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na honoraria para sa mga guro na magsisilbing poll workers sa 2022 Elections.
Kasunod ito ng inilabas na COMELEC Resolution 10727 kung saan nakasaad ang honoraria sa mga guro na maglilingkod sa halalan.
Sa ilalim ng resolusyon, makatatanggap ang Chairperson ng Election Board (EB) ng 7,000 pesos; 6,000 para sa mga miyembro ng EB; 5,000 para sa DepEd supervisor official at 3,000 pesos sa support staff at medical personnel.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, bagaman maliit kumpara sa kanilang proposal, tanggap naman nila ang anumang adjusted rates at makikipag-ugnayan sila sa poll body para sa posibleng increase.
Sa naunang napagkasunduan ng DepEd at COMELEC noong Hunyo, tatanggap ang chairperson ng 9,000 pesos; 8,000 para sa education board members; 7,000 para sa DepEd supervisor officials at 5,000 pesos para sa support staff. —sa panulat ni Drew Nacino