‘’Approved in Principle’’ na ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang bayad sa mga gurong nag Over-Time noong May 9 elections.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, pinag-uusapan na kung magkano ang idaragdag na honararia sa mga poll worker.
Pantay-pantay ang matatanggap ng lahat nang nagsilbi na karamiha’y guro, support staff at technicians.
Ang naranasang aberya sa Vote-Counting Machines (VCMs), rejected ballots, paper jam at problema sa scanner at printer ang karaniwang naging problema noong botohan kaya’t nag-overtime ang mga guro.