Pinag-aaralan ng gobyerno kung dadagdagan ang importasyon ng bigas.
Dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Lando sa agrikultura.
Sinabi ng Pangulong Noynoy Aquino na kailangang isaalang-alang ang bagyong lando at El Niño kahit pa inaprubahan na ang pag-angkat ng 500,000 metriko tonelada ng bigas.
Ayon sa Pangulo, kailangang matiyak ang supply ng bigas mula December hanggang February 2016.
Batay sa record ng NDRRMC, pumapalo sa isang milyong piso ang nalugi sa mga magsasaka matapos masira ang kanilang pananim dahil sa bagyong Lando.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)