Muling magbibigay ang Amerika ng dagdag na 800 million dollars na military assistance para sa Ukraine.
Ito ang inihayag ni US president Joe Biden sa gitna pa rin ng tumitinding pananalakay ng Russia sa nasabing bansa na tinawag naman niyang critical window.
Ayon ka Biden nakatakdang magpadala ang US ng mga bagong shipments kabilang na ang mga heavy artillery at 144,000 rounds ng ammunition.
Iginiit ni Biden na hindi siya susuko kasama ang kanyang allied partners sa pagpapataw ng kaparusahan sa Moscow at sa Pangulo nito na si Russian president Vladimir Putin.
Aniya, bukod dito ay hindi kailanman magtatagumpay si Putin na sakupin ang naturang bansa.
Maliban dito, plano rin Biden na magsagawa ng formal request sa susunod na linggo para sa congress upang maaprubahan naman ang ikalawang supplemental funding package.