Pinapayagan na ng Department of Trade and Industry o DTI na magdagdag ng kapasidad sa mga kainan at personal care establishments simula sa Hunyo 1.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, mula sa 10% ay magiging 49% na ang pinapayagang kapasidad sa mga naturang establisyimento.
Bukod dito, sinabi ng dti na madadagdagan pa ito kung makakakuha na ang establisyimento ng safety seal mula sa kanila.
Aniya, sa pagbubukas ng mga negosyo , mas mahigpit na ipinapatupad ang pagsunod sa mga health protocols upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.