Kailangang itaas ng .5 percent ang kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).
Ito ayon kay Normie Doctor, vice president, Benefits Administration Division ng SSS ay batay sa kanilang actual computation para matustusan ang mga dagdag benepisyo sa ilalim ng expanded maternity leave law.
Sinabi ni Doctor na kapag hindi itinaas ang kontribusyon nanganganib malusaw ang fund life ng SSS ng isang taon.
Wala naman aniyang binabanggit sa batas kung saan kukunin ang pondo na ipantutustos sa mga dagdag na benepisyo.
Nilinaw ni Doctor na kung anuman ang kikitain sa bagong dagdag kontribusyon na una na ring inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ay gagamitin na lamang muna nila para pondohan ang expanded maternity leave.