Hindi na mapipigilan ang Social Security System (SSS) sa isang porsiyentong dagdag-kontribusyon na sasaluhin ng employers simula sa susunod na taon.
Ito’y sa kabila ng agam-agam ng ilang employers group ngayong bumabangon pa lang sila mula sa epekto ng covid-19 pandemic.
Ayon kay SSS President at CEO Michael Regino, sa katunayan ay point 75% lamang ang babayaran ng employers kaya’t hindi na dapat ipagpaliban pa ang ganitong kaliit na dagdag-kontribusyon.
Kamakailan ay tinutulan ng mga grupo ng negosyante at manggagawa ang pagpapatupad ng contribution hike ng SSS at PhilHealth dahil hindi umano ito napapanahon.