Inaasahang ang pagdating sa bansa ng karagdagan pang isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac sa ikatlong linggo ng buwan.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr, matagumpay ang naging negosasyon sa pagitan ng gobyerno at Sinovac para malagdaan ang purchase order sa Chinese drug manufacturer.
Sinabi pa ni Galvez na hindi gaanong naging mabusisi ang Sinovac hindi gaya ng Western o ng Pfizer kaya naging madali ang pag-uusap.
Una rito, dumating sa bansa ang 600,000 doses ng CORONAVAC na donasyon ng China sa Pilipinas noong linggo ng hapon.