Karagdagang 1 Million COVID-19 vaccine doses ng Astrazeneca ang ipapadala sa Pilipinas ngayong buwan.
Ito ang kinumpirma ng British Pharmaceutical Firm matapos na mag-renew ng kanilang commitment sa COVAX facility para matiyak ang access sa bakuna kontra COVID-19 ng maraming bansa.
Ayon pa sa pamunuan ng Astrazeneca, asahan pa ang pagpapadala nila ng dagdag na bakuna pagkatapos matanggap ang bakunang nakatakdang dumating ngayong buwan.
Sa ngayon ay mayroong 2.5 Million doses na ng Astrazeneca vaccine ang natanggap na ng Pilipinas.