Halos dalawang daang (200) Pilipino, karamiha’y undocumented workers at mga bata, ang dumating mula sa bansang Kuwait.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, bahagi pa rin ito ng nagpapatuloy na repatriation program ng pamahalaan.
Papalo na sa dalawang libo (2,000) ang bilang ng mga na-repatriate na mga Pinoy sa tulong ng Department of Foreign Affairs o DFA simula noong Pebrero 11 makaraang paliwigin ng Kuwaiti government ang kanilang amnesty program ng hanggang Abril 22.
Ang mga tinatawag na ‘returning workers’ ay makatatanggap ng 25,000 pesos na cash at livelihood assistance mula sa OWWA.
—-