Ilalaban pa rin ni Bayan Partylist Representative Neri Colmenares ang dagdag na P2,000 sa tinatanggap buwan buwan ng SSS pensioners.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Colmenares sa gitna ng mga report na dadagdagan ang suweldo ng mga opisyal ng SSS .
Sinabi ni Colmenares na tiwala siyang tuluyang mao-override ang ginawang pag-veto ng Pangulong Benigno Aquino III sa dagdag na pensyon ng SSS pensioners.
By Judith Larino | Karambola