Inaasahang dadating ngayong araw ang dagdag na 3-M doses ng Sinovac vaccines sa bansa.
Ito ay kabilang sa binili ng pamahalaan upang mas mapabilis ang target na bilang ng mga nababakunahan.
Nabatid na mamayang alas-6 ng gabi ay dadating mula sa bansang China ang mga bakuna na sakay ng Philippine Airlines.
Umaasa naman ang pamahalaan na mas dadami pa ang mga maidedeliver na bakuna mula sa ibang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero