Isinusulong ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na madagdagan ang allowance ng mga guro ngayong school year.
Ayon kay Pangilinan, sa kasulukuyang nasa P3,500 kada taon ang chalk allowance ng mga guro at hinihiling na itaas sa P5,000.
Gayunman, batay na rin sa kanilang plenary debate sa Senado, lumalabas na hindi pa rin sasapat ang isang libo at limang daang pisong dagdag sa naturang allowance.
Sinabi ni Pangilinan, dati ay ginagamit ng mga guro ang kanilang allowance para sa notebook at iba pang school supplies ng kanilang mga estudyante.
Sa ngayon aniya ay ginagamit na nila ito sa pagbili ng mga printers para mag-reproduce ng mga modules na kadalasan ay kinukulang pa.
Binigyang diin ni Pangilinan, kinakailangang matiyak na nabibigyan ng buong suporta ng pamahalaan ang mga guro ngayong nasa new normal na rin ang education system ng bansa.