Maaaring bumili ng mga karagdagang ballot boxes ang Commission on Elections (Comelec) para sa paghahanda sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho, maraming ballot boxes ang hindi nagamit dahil sa mga nakabinbing electoral protests.
Aalamin aniya nila sa korte kung papayagan silang gamitin ang mga ito sa halalan 2022 dahil kung hindi ay posibleng bumili sila ng bagong ballot boxes.
Sinabi rin ni Kho na bukod sa mga ballot boxes ay plano rin nilang bumili ng dagdag na vote counting machines (VCM) para sa may 2022 elections.