Isinusulong ni Senator Win Gatchalian na dagdagan ng benepisyo ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa Senador, dapat na mabigyang prayoridad ng pamahalaan na mataasan ang sahod at ganap na maipatupad ang Magna Carta para sa public teachers.
Sinabi ni Gatchalian na napag-iiwanan na ang mga guro sa bansa kung ikukumpara sa mga guro sa ASEAN Region.
Dagdag pa ng Senador na ang mga guro sa ibang bansa partikular na sa Singapore ay may average na buwanang entry level na P51,820 para sa kanilang sahod habang ang mga guro naman sa malaysia ay sumasahod ng average na buwanang entry level na P44,607.
Nabatid na ipinagdiriwang ngayon ang National Teachers Month na nagsimula noong Setyembre a-5 at tatagal naman hanggang Oktubre a-5.