Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang panukalang pagtataas ng excise tax sa mga produktong petrolyo partikular sa gasolina at diesel.
Ito’y bunsod ng pangambang magreresulta sa lalong pagtaas presyo ng mga krudo ang karagdagang buwis lalo’t may 12 percent value-added tax na ang mga naturang produkto.
Ito’y dahil magreresulta umano ito sa pagtaas ng pump prices lalo’t may 12 percent value-added tax sa mga oil product.
Una ng inihayag ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na ang dagdag excise tax sa langis ay kabilang sa inisyatibo sa ilalim ng comprehensive tax reform plan ng Duterte administration.
Kung papatawan ng dagdag na excise tax ang langis, tataas ng P6 ang kada litro ng gasolina at mahigit P6 rin sa diesel pero maaaring kumita ang gobyerno ng 60 billion pesos kada taon.
Gayunman, pinangangambahang tumaas din ang singil sa kuryente dahil kailangang bumili ang mga power plant operator ng mas mahal na diesel bilang panggatong.
By Drew Nacino