Papalo sa $7-bilyon hanggang $10-bilyon ang inaasahang dagdag na foreign investments na papasok sa bansa sa susunod na taon.
Ito ang pagtaya ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda kapag naisabatas na ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill.
Sinabi ni Salceda na sa 2021 pa lamang ay inaasahang magpapasok na ang CREATE bill ng P39-bilyon na halaga ng business expansion at lilikha ng 1-milyong trabaho sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.
Tiwala naman si Salceda, na isang ekonomista, na lalakas ang stock market, foreign investment at mga negosyo sa bansa dahil sa nasabing panukala.
Tataas sa P5.7-trilyon sa susunod na 10 taon o 38% ng market capitalization ang actual net ng private sector capital dahil sa CREATE.