Dapat na sagot ng employer o i-reimburse na lang nito ang dagdag gastusin ng mga manggagawang naka-work from home (WFH).
Ayon ito kay Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Tutay kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo mula sa business process outsourcing (BPO) sector.
Sinabi ni tutay na sa BPO industry kadalasang sagot ng employer ang bayad sa kuryente, internet connection at maging laptop na ginagamit ng mga empleyadong naka work from home.
Ipinabatid ni tutay na natalakay na nila ang isyu sa e industry at handa naman itong tugunan ang mga reklamo.
sa ilalim ng telecommuting act ang work arrangement ay hindi bababa sa minimum labor standards na itinatakda ng batas.
Ang employer at mga empleyado ay dapat sumunod at magabayan ng kapwa pinagkasunduang polisiya o telecommuting agreement partikular sa specific provisions tulad ng paggamit at halaga ng equipment.