Iginiit ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-In-Charge Gregorio Catapang Jr., na hindi na kailangan pang magdagdag ng guwardiya na magbabantay sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Catapang, hindi na magdedeploy ang kanilang ahensya dahil hindi naman umano ito ang solusyon para maisaayos ang maling pamamalakad o sistema sa loob ng nabanggit na piitan.
Sinabi ni Catapang na gagawa siya ng ibat-ibang hakbang, para matugunan ang problema sa NBP.
Matatandaang noong panahon ni BuCor Dir. Ronald “Bato” Dela Rosa, nagdagdag ito ng karagdagang mga tauhan mula sa PNP Special action force, para paigtingin ang pagbabantay sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).