Nanawagan si Senador Sonny Angara sa pamahalaan na taasan na ang ibinibigay na hazard pay sa mga kawal ng bayan na nakadestino sa mga malalayo at peligrosong lugar
Inihayag ito ng Senador sa harap na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na all out war laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Mindanao
Giit ng Senador, panahon na para taasan ang ibinibigay na hazard pay para sa mga sundalo dahil lubhang napakaliit ng kasalukuyang 390 Pesos na hazard pay na kanilang natatanggap kada buwan
Dahil dito, naghain ng panukalang batas si Angara na nagtataas sa hazard pay ng mga sundalo na nag-aalay ng kanilang buhay para sa bayan
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 19 ) Cely Bueno