Sapat ang ide-deploy na dagdag na immigration officers sa NAIA para maiwasan na ang mahabang pila ng mga pasahero lalo na’t marami ang inaasahang maglalabasan ng bansa sa susunod na linggo.
Ipinabatid sa DWIZ ni Atty Antonette Mangrobang, Spokesperson ng immigration na pitumpung (70) immigration officers nila mula sa kanilang mismong tanggapan at district offices ang hinugot nila para mag serbisyo sa NAIA simula ngayong linggo.
PAKINGGAN: Pahayag ni Immigration Spokesperson Atty Antonette Mangrobang sa panayam ng DWIZ
Immigration Bureau humingi ng paumanhin
Humingi ng paumanhin ang Immigration Bureau sa mga pasaherong naabala dahil sa mabagal na usad ng pila sa immigration counters sa NAIA.
Sinabi ni atty antonette mangrobang, spokesperson ng bureau of immigration na gagawin nila ang lahat para matiyak ang agarang immigration service na kailangan ng mga pasahero sa NAIA.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Immigration Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang sa panayam ng DWIZ
By Judith Larino |Ratsada Balita (Interview)