Nanawagan sa pamahalaan ng dagdag na kalinga para sa nurses ang Ang Nars Party-list.
Sa gitna ito ng patuloy na pagdami ng nurses na namamatay sa COVID-19 at nakararanas ng diskriminasyon at takot.
Ayon kay Ang Nars Party-list Representative Leah Paquiz, sana’y mabigyan ng tamang pag-aruga ang nurses at mabigyan rin sila ng kapanatagan ng loob na hindi sila mapapababayaan sakaling maimpeksyon dahil sa pagganap ng kanilang trabaho.
Kung may nararamdaman sila, dapat inaasikaso sila agad ng ospital para gamutin at itest agad, e, hindi po ganoon ang nangyayari,” ani Paquiz. —sa panayam ng Ratsada Balita