Sumadsad na sa 562 ang additional COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ito’y batay sa datos ng Department of Health hanggang nitong Sabado kung saan umabot sa 3,792 ang karagdagang kaso ng COVID-19.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David, ang nasabing bilang ay pasok pa rin sa kanilang projections noong huling bahagi ng Enero.
Tanging Quezon City anya ang nakapagtala ng mahigit 100 bagong kaso kung saan aabot sa 123 ang additional positive patients, na sinundan ng mga lungsod ng Maynila, Pasig at Pasay.
Aabot naman sa 486 ang pinakamababang naitalang additional COVID-19 cases sa National Capital Region ngayong taon lamang.