Naghahanap pa rin ang Department of Education ng mga dagdag na math at english teacher.
Ayon kay DEPED Secretary Leonor Briones, nakapag-recruit na ang ahensya ng 30,000 mga guro, ngunit 15,000 teaching item ang bakante pa rin.
Nangangailangan, aniya, ng mga guro sa math at english dahil ito ang mas pinipili ng 60% ng mga mag-aaral.
Samantala, sinabi ni Briones na kabilang ang mga nasa drug rehabilitation center sa nais na maisama sa pagpapalawig ng Alternative Learning System (ALS).
Dagdag pa ng kalihim, pinag-aaralang muli ng DEPED ang curriculum para sa mga nasa ika-apat na baitang hanggang high school.
By: Avee Devierte